Panibagong anim na Emergency Quarantine Facilities (EQF) na gawa ng mga sundalo ang ibinigay sa mga taga-Tondo Manila at iba pang lugar.
Ayon kay Armed Forces of the Philippines Public Affairs Office Chief Captain Jonathan Zata, dalawa sa pasilidad ay i-tinurn over sa Tondo National High School (TNHS), kaninang umaga.
Habang ang iba pang ginawang EQF ay i-tinurn over sa Batangas Healthcare Specialist; The Medical City, Batangas; Perpetual Help Las Piñas; at Caloocan City North Medical Center.
Bawat EQF ay ginagawa ng 20 sundalo sa loob ng lima hanggang anim na araw.
Ang mga sundalong ito ay kabilang sa Office of the Chief Engineer, AFP, at 51st Engineering Brigade.
Simula April 28, 2020, aabot na sa 78 EQF ang nagawa ng AFP katuwang ang civilian teams.