Anim na Katao, Huli sa Iligal na Laro!

Ramon, Isabela- Nahaharap sa kasong Paglabag sa pd 1602 o Illigal Gambling ang anim na indibidwal matapos maaktuhan na naglalaro ng “Tong-Its” kagabi, Abril bente kwatro taong kasalukuyan sa Purok sais Bugallon Proper, Ramon, Isabela.

Ang mga nadakip ay sina Vincent Alejandro, trentay otso anyos, Christian Bernardo, trentay dos anyos, Betty Bacena, singkwentay kwatro anyos, Marites Tutaan, kwarenaty kuwatro anyos, Clara Tel, singkwentay siyete anyos, at si Antonio Ariola, singkwentay otos anyos na pawang mga residente ng naturang bayan.

Narekober sa kanilang paglalaro ang mga barahang ginamit at mahigit dalawang libo at limang daang pisong halaga sa kanilang paglalaro sa iligal sugal.


Nasa kustodiya na ng PNP Ramon ang mga nahuli na nahaharap sa kaukulang kaso.

Facebook Comments