IIMBESTIGAHAN | Lola, hinarang sa NAIA matapos makuhanan ng baril

Manila, Philippines – Isang 71-anyos na lola ang naharang sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 matapos na makuhanan ng kalibre 38 na baril at ilang piraso ng bala.
Patungo sana sa South Korea ang pasahero nang ma-detect ng airport security ang isang safety box sa bagahe niya kung saan nakalagay ang baril.

Dahil dito, hindi na muna siya pinayagang maka-biyahe.

Iniimbestigahan pa kung talagang pagmamay-ari ng senior citizen ang vault.


Facebook Comments