DISMAYADO | PRRC, umapela sa publiko at sa iba pang ahensiya ng pamahalaan

Manila, Philippines – Umapela ang Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC) sa publiko at sa iba pang ahensiya ng pamahalaan na makiisa sa layunin nilang malinis ang mga estero at ilog sa Metro Manila.

Ginawa ng PRRC ang panawagan matapos na madismaya sa pagbabalik ng mga gabundok na basura sa mga esterong nalinis na nila.

Ayon kay PRRC Executive Director Jose Antonio Goitia – masasayang ang effort nila sa paglilinis kung patuloy na magtatapon ng basura lalo na ang mga nakatira malapit sa mga estero.


Kasabay niyo, tiniyak ni Goitia na pananagutin nila sa batas ang sinumang mahuhuling magtatapon ng basura maging sa Ilog Pasig.

Facebook Comments