Anim na Katao na Wanted sa Batas, Huli sa Magkakahiwalay na Operasyon ng Kapulisan sa Rehiyon Dos

*Cauayan City, Isabela*- Arestado sa magkakahiwalay na operasyon ng kapulisan ang anim na katao na wanted sa batas sa Probinsya ng Cagayan kahapon (December 22,2019).

Nakilala ang mga akusado na sina John Joshua Talosig, 18 anyos, binata at Top 1 Municipal Level na residente ng Brgy. San Antonio sa kasong Murder; Michelle Sola, 19 anyos, dalaga at Top 4 Municipal Level at residente ng Brgy. Centro 9 na may kasong Kidnapping at Serious Illegal Detention na kapwa tubong Bayan ng Aparri.

Inaresto din ang isang Brgy. Kagawad na kinilalang si Noel Pascua Sr., 50 anyos, Top 10 Municipal Level, may asawa at residente ng Brgy. Centro Sur, Gattaran para sa kasong RA 9262; Reymundo Peralta, 46 anyos,may asawa at residente ng Brgy. Bacagan, Baggao para sa kasong Estafa; Norberto Bagiao, 66 anyos, may asawa, isang magsasaka at residente ng Brgy. Ipil, Echague, Isabela para naman sa kasong RA 9262 at si Archie Almuete, 30 anyos, may asawa, walang trabaho at residente ng Brgy. Mabasa, Dupax Del Norte, Nueva Vizcaya para sa kasong Grave Threat.


Pinuri naman ni PNP Regional Director PBGen. Angelito Casimiro ang mga pulis na nagsagawa ng operasyon para sa ikadarakip ng mga akusado.

Facebook Comments