Trabahador, Patay Matapos Hampasin ng Tubo!

Delfin Albano, Isabela- Patay ang isang manggagawa matapos paghahampasin ng kapwa manggagawa sa Brgy. Villa Pereda, Delfin Albano, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Mark Dave Fontanilla, dalawampu’t apat na taong gulang, samantalang ang suspek naman ay kinilalang si Tomas Galasi, dalawampu’t isang taong gulang, may asawa at kapwa manggagawa, parehong residente ng nasabing barangay.

Ayon sa ulat ng PNP Delfin Albano, bandang alas onse kwarentay singko kagabi nang umuwing lasing ang biktima sa kanyang tinutuluyan ng magkaroon ng mainitang pagtatalo sa suspek.


Dahil dito, kumuha ng steel pipe o tubo ang suspek at pinaghahampas ang biktima hanggang sa mawalan ng malay.

Agad namang isinugod ng mga rumespondeng Barangay Officials ang biktima sa pagamutan subalit idineklara rin itong Dead On Arrival.

Samantalang ang suspek ay kusang sumuko kay Kapitan Jimmy Cordova na agad namang ipinasakamay sa PNP Delfin Albano kaninang umaga at ngayo’y nahaharap sa Kasong Homicide.

Facebook Comments