Jones, Isabela – Umabot na sa anim na klase ng baril ang isinuko sa himpilan ng pulisya ng Jones, Isabela sa buwan lamang ng Hunyo.
Sa panayam ng RMN Cauayan kay Police Chief Inspector Rex Pascua, hepe ng Jones Police Station na boluntaryong nagsadya sa PNP Jones ang mga may-ari ng mga baril na paso na ang papel ng mga ito.
Sa katunayan umano ay mayroong dalawang may ari ng baril kahapon na nagsuko sa himpilan ng pulisya kung saan dalawang caliber 45 na mula sa Poblasyon at Barangay San Isidro, Jones, Isabela.
Sinabi pa ni Chief Inspector Pascua na kabilang din sa klase ng baril na pawang mga paso na ang papel ay ang 9 mm pistol, caliber 22 na may bala, 12 gage shotgun at caliber 40.
Ipinaliwanag pa ng opisyal na ipapasakamay ang mga naisukong baril sa PNP Provincial Office habang hindi pa binabago ng mga may-ari ng baril ang mga papel nito.
Samantala, ang pagsuko umano ng mga baril ay bahagi sa panawagan at programa ni Chief Inspector Pascua sa mga indibidawal ng Jones na may mga pasong papel ng baril na isuko na lamang upang hindi maharap sa anumang kaso.