Anim na mamahaling paintings ng pamilya Marcos, pinapahanap ng Commission on Audit

Manila, Philippines – Hiniling ng Commission on Audit sa Presidential Commission on Good Government (PCGG) na hanapin ang anim na mamahaling paintings ng pamilya Marcos.

Ayon sa COA – dapat alamin ng PCGG kung papaano nawala ang mga paintings at kung papano ito agad maibabalik sa metropolitan museum.

Lumalabas sa report ng COA na walang ginagawang hakbang ang PCGG para ipreserba at maprotektahan ang mga paintings.


Nadiskubre din ng komisyon na nakatiwangwang ang ibang paintings at may gasgas na ang mga ito.

DZXL558

Facebook Comments