Isinailalim na sa state of calamity ang anim na rehiyon sa bansa dahil sa pananalasa ng Bagyong Odette.
Ito ay matapos na lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang proklamasyon kagabi na layong pabilisin ang pag-rescue, relief at rehabilitation efforts ng pamahalaan.
Ang mga lugar na nasa ilalim ng state of calamity ay ang:
Region 4-B (MIMAROPA)
Region 6 (Western Visayas)
Region 7 (Central Visayas)
Region 8 (Eastern Visayas)
Region 10 (Northern Mindanao)
At Region 13 (CARAGA Region)
Ayon pa sa Pangulo, ngayong araw ay magtutungo rin siya sa iba pang lugar na sinalanta ng bagyo upang bisitahin ang mga naapektuhang residente.
Una nang nagpunta ang Pangulo sa Maasin, Leyte, Bohol, Cebu at Negros Occidental kung saan nagsagawa rin siya doon ng situation briefings at namahagi ng tulong.