Isa, patay; isa, sugatan matapos pagbabarilin ng ridingtandem sa Holy Spirit QC

35

Manila, Philippines – Patay ang isang lalaki habang sugatan naman ang isa nitong kaibigan matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa barangay Holy Spirit, Quezon City.

Kinilala ang biktimang si Moises Jay Pascua.

Naganap ang insidente sa loob ng bahay ng kaibigan ng biktima.

Sa ulat, sa gate pa lamang ng bahay ay pinagbabaril si Pascua ng mga lalaking nakatakip ang mga mukha.

Nakatakbo pa ito sa loob ng bahay pero patuloy siyang pinapaulanan ng bala.

Kapwa naniniwala ang pamilya ng biktima at ng mga opisyal ng barangay na may kaugnayan sa ilegal na droga ang pamamaslang.
Nation

Facebook Comments