Anim, patay sa pananalasa ng hurricane Irma – dalawa pang hurricane, nabuo sa Atlantic at Gulf of Mexico

World – Anim na ang patay sa paghagupit ng hurricane Irma sa Amerika.

Nasa category 5 storm pa rin ang bagyo na may lakas ng hangin na aabot sa 185 miles per hour.

Kasabay ng pananalasa ng hurricane Irma sa Northern Virgin Islands at Puerto Rico, dalawa pang bagyo ang namataan sa Atlantic.


Sa taya ng national hurricane center, ang hurricane Jose ay nakita sa Atlantic habang isa na ring category one hurricane si Katia na nasa Gulf of Mexico.

Inaasahan namang hindi magiging kasinglakas ng bagyong irma ang dalawang parating na bagyo.

Facebook Comments