Pananagutan sa batas sa umano’y nakaw na yaman, hindi kikilalanin ng pamilya Marcos – Etta Rosales

Manila, Philippines – Naniniwala si dating Commission on Human Rights Chairperson Etta Rosales na hindi kikilalanin ng pamilya Marcos na may pananagutan sila sa kanilang ill-gotten wealth.

Ayon kay Rosales, hindi ibabalik ng mga Marcos ang lahat ng umano’y kanilang nakaw na yaman ng walang kondisyon.

Pinuna rin ni Rosales ang alok na immunity sa mga kasong posibleng isampa laban sa mga Marcos, kapalit ng pagbabalik ng tagong yaman.


Una nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na may kinatawan ng mga Marcos na nakipag-ugnayan sa kaniya para pabuksan ang kanilang bank accounts at ibigay ang laman nito, pati na ang ilang gold bar.

Facebook Comments