ANKLE INJURY | South Korean Tennis Star Chung Hyeon, umatras na sa French Open

Umatras na si South Korean Tennis Star Chung Hyeon sa French Open dahil sa ankle injury na ilang beses ng pabalik-balik.

Ayon sa 22-anyos na si Hyeon, pinayuhan siya ng mga doktor na huwag muna maglaro para hindi lumala ang kaniyang injury.

Nauna na din itong nag-withdraw sa Lyon Open at Italian Open.


Matatandaan na ginulat ni Hyeon ang lahat ng makapasok sa semifinals ng Australian Open at makalaban si Roger Federer.

Facebook Comments