Anne Curtis, itinalaga bilang nat’l goodwill ambassador ng UNICEF

69

Emosyonal na tinanggap ng TV-host/actress na si Anne Curtis ang pagiging national goodwill ambassador ng United Nations International Children’s Fund o UNICEF.

Ayon kay Anne – isa ito sa pinakamahalagang role ng kanyang career.

Sabi pa ng aktres – matagal na niyang pinapangarap ito lalo at nais niyang tumulong sa mga walang boses sa lipunan tulad ng mga bata.

Sa isyu ng pagbaba ng edad ng criminal responsibility, sinabi ni Anne na mainam na lamang na palakasin ang umiiral na batas at hindi na ito pababain.

Hinimok din ni Anne ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak sa gitna ng tigdas outbreak.

Nabatid na nag-umpisa bilang major donor si Anne sa UNICEF noong 2009.

Facebook Comments