Annual average growth ng turismo ng bansa sa susunod na sampung taon, inaasahang papalo sa 6.7%

Inaasahang papalo sa 6.7% ang annual average growth ng turismo ng bansa sa susunod na sampung taon.

Ayon sa pag-aaral ng World Travel and Tourism Council (WTTC) at Oxford Economics, inaasahang malalampasan ng lokal na turismo ng bansa ang kabuuang economic average growth rate na 5.6 percent nito.

Nakikita rin na may pagtaas ng 3% ang employment sa naturang sektor sa susunod na dekada na magiging dahilan ng karagdagang halos 3 milyong trabaho sa bansa.


Dagdag ng WTTC na magandang indikasyon ito para sa Philippine tourism at travel sector kung saan nakikita ang unti-unting pagbangon ng sektor mula sa epekto ng pandemya.

Matatandaang nagsimulang tumanggap ng international tourist ang Pilipinas mula sa 157 visa-free na bansa noong Pebrero bago muling buksan ang border nito sa lahat ng foreign traveler ngayong Abril.

Samantala, patuloy namang nakaalerto ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa pagpasok ng mga bakasyunista sa bansa, partikular na sa isla ng Boracay.

Facebook Comments