Manila, Philippines – Idedeklara na ng Marikina government ang unang alarma dahil sa taas ng tubig sa Marikina river.
Ayon sa Marikina Public Information Office, nasa 14.9 na meters na ang level ng tubig sa ilog, ibigsahin1 meter nalang o pagsapit ng 15meters tutunog na ang alarm hudyat ng paghahanda para sa posibleng pag-likas.
Sarado na ang ilang tindahan sa paligid ng ilog matapos sumampa ang tubig sa mismong kalsada.
Wala ng nararanasang malakas na pag-ulan sa Marikina pero posible pa rin tumaas ang level ng tubig sa ilog, dahil sa baha at pag-ulan sa bahagi ng Rizal ay mapupunta sa Marikina river.
Ilan sa mga brgy. na unang maapektuhan ay ang brgy. Barangka at brgy. Tumana, kayat ilan sa mga pamilya maaga pa lang ay lumilikas na.
Facebook Comments