ANTAS NG TUBIG SA SINUCALAN RIVER SA BAYAN NG STA. BARBARA NASA CRITICAL LEVEL NA; MGA RESIDENTE INALERTO NG AWTORIDAD

STA. BARBARA, PANGASINAN – Inalerto na ng awtoridad ang mga residenteng naninirahan malapit sa Sinucalan River matapos pumalo sa kritikal na lebel ang tubig nito sa bayan ng Sta. Barbara.
Dahil sa tuloy-tuloy na pag-uulan dulot ng Habagat na mas pinagtibay ni Bagyong Hanna ay umakyat na sa kritikal na lebel ng tubig ang Sinucalan River kung saan as of 11 kagabi, nasa 7.00 meters above sea level na ito.
Dahil dito naka-full alert na ang mga kawani ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office gayundin ang mga Barangay Disaster Risk Reduction and Management Council upang bantayan ang ilog na ito dahil sa posibleng pagbaha sa mga mabababang lugar sa bayan.

Mahigpit na pinapayuhan ng awtoridad ang mga BDRRMC na magbantay at maging alerto sa lahat ng pagkakataon upang magbigay ng tulong sa mga mangangailangan.
Matatandaan na umapaw na rin ang ilog an ito noong Bagyong Egay na nagdulot ng pagbaha sa ilang barangay sa bayan. | ifmnews
Facebook Comments