Isinagawa kamakailan ng Mangaldan Municipal Police Station (MPS) ang dialogue sa mga residente bilang bahagi ng kanilang patuloy na Anti-Criminality Campaign.
Layunin ng aktibidad na palakasin ang ugnayan ng pulisya at komunidad, at itaas ang kamalayan sa mga paraan ng pag-iwas sa krimen.
Tinalakay ng mga pulis ang mahahalagang safety tips, ibinahagi ang ulat sa crime trends, at pinaalalahanan ang publiko tungkol sa kahalagahan ng pagiging mapagmatyag at kooperatibo laban sa mga kriminal na gawain.
Nagbigay din ang MPS ng impormasyon at gabay upang masiguro na may sapat na kaalaman ang mga residente sa pagpapanatili ng kaligtasan.
Binigyang-diin ng ahensya ang pakikipag-ugnayan at aktibong partisipasyon ng komunidad upang mas mapanatili ang katahimikan at kaayusan sa bayan.









