Manila, Philippines – Epektibo na ngayong araw ang Anti-Distracted Driving Law.
Ayon kay Land Transportation Office Chief Edgar Galvante, sa ilalim ng batas na ito bawal na ang paggamit ng mga gadgets, waze o GPS-based geographical navigation application program, pati na ang Uber at Grab habang nagmamaneho.
Paglilinaw ni Galvante, kung hindi naman maiiwasan na gamitin ng mga motorista ang mga cellphone traffic applications ay kailangan nilang tumabi muna ng kalsada para iwas-disgrasya.
Saklaw rin sa nasabing batas ang pedestrian na gumagamit ng cellphone habang naglalakad at tumatawid sa kalsada.
Exempted naman sa batas ang mga law enforcers, rescuer, mmda, LTFRB at HPG na nagpapatupad ng nasabing batas.
DZXL558
Facebook Comments