Bilang pagtalima sa inilabas na memorandum circulars ng DILG-Central office para sa isang pinagsamang aksyon laban sa iligal na droga sa local government units, nag-organisa ng anti-drug abuse councils na naglalayong pigilan ang korapsyon, iligal na droga at kriminalidad sa mga komunidad ang 2,114 barangay sa ARMM.
Itinuturing na nasa frontline ang Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) kontra paglaganap ng ipinagbabawal na gamot sa komunidad.
Sinabi ni DILG-ARMM Sec. Atty. Noor Hafizullah ‘Kirby’ M. Abdullah, ang regional government ay lubos na sumusuporta sa national programs na naglalayong sugpuin ang problema hinggil sa iligal na droga, lalong lalo na sa baranggay level.
Nagbabala si Sec. Abdullah na ang mga opisyal ng barangay ay maaring mahaharap sa reklamo ng pagkatanggal sa tungkulin kapag nabigo silang mag-organisa ng isang kapaki-pakinabang na BADAC.
Ito ay binubuo ng mga barangay officials at barangay sectoral representatives na may hawak sa mga impormasyon ng mga miyembro ng komunidad.
Anti-drug abuse councils, inorganisa ng mga barangay sa ARMM!
Facebook Comments