Anti-Drug Symposium sa Lahat ng Paaralan sa Isabela, Isinusulong ng Isabela Anti-Crime Task Force!

Cauayan City, Isabela – Pinagtutuunan ngayon ng Isabela Anti-Crime Task Force ang paglunsad ng anti-drug symposium sa mga paaralan dito sa lalawigan ng Isabela upang maituro sa mga kabataan ang mga epekto ng paggamit ng ipinagbabawal na droga.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Ginoong Ismael Atienza, ang pinuno ng Isabela Anti-Crime Task Force na kadalasang biktima ang mga kabatan sa paggamit ng droga kung kaya’t pagtutuunan ito ng pansin sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga symposium sa mga paaralan sa lalawigan ng Isabela.

Sinabi pa ni ginoong Atienza na kabilang sa mga itinuturo sa mga symposium ay hinggil sa early teen ages pregnancy, early marriages at iba pang dahilan na sanhi at epekto ng paggamit ng droga.


Plano din ng Isabela Anti-Crime Task Force na bumuo sa mga paaralan ng isang grupo ng Student Anti-Crime Prevention Council upang mangasiwa at direktang magpapaabot sa Isabela Anti-Crime Task Force kung may mga krimen at hindi magandanmg nangyayari sa mga paaralan sa pamamagitan ng ibabahaging cellphones bawat grupo.

Samantala ipinagmalaki pa ni Ginoong Atienza na isa umano ang Isabela sa sampung lalawigan na pinarangalan bilang may epektibong programa at may magandang pamamaraan sa pagsugpo ng illegal na Droga.

Matatandaan na natapos na ang isinagawang symposium sa mga paaralan sa San Mariano, Isabela at may dati nang nabuong grupo sa mga paaralan dito sa lungsod ng Cauayan kung kaya’t ito ay muling bubuhayin upang patuloy na mamonitor ang hinggil sa anumang krimen sa naturang lungsod.

Facebook Comments