Anti-fake news bill, hindi na kailangan

Manila, Philippines – Iginiit ni ACT Teachers Rep. Antonio Tinio na hindi na kailangan ang panukalang Anti-Fake News Bill na inihain sa Kamara.

Ayon sa kongresista may mga umiiral na batas patungkol sa pagpapakalat ng hindi totoong balita kaya hindi na kailangan ang isinusulong na panukala sa Senado.

Ang pagpaparusa sa mga nagpapakalat ng fake news ay makikita sa batas sa libel o code of ethics of government officials.


Dagdag ni Tinio, hindi na bago ang fake news dahil noon pa man ay may mga propaganda at misinformation ng kumakalat na lalo lamang nagpaingay sa mundo ng social media.

Nangangamba si Tinio na malawak ang isyu ng Anti-Fake News Bill at tiyak na masasagasaan nito ang malayang pamamahayag.

Facebook Comments