Anti-fake news, posibleng sumagasa sa freedom of expression

Manila, Philippines – Hindi syento por syento ang suporta ng ilang mambabatas sa panukalang anti-fake news na inihain ni Senador Joel Villanueva.

Ayon kay Bayan Muna Rep. Carlos Zarate, mabigat ang reservation niya sa anti-fake news bill dahil masyadong malawak ang sakop nito.

Malaki din ang posibilidad na masagasaan ang freedom of expression na garantisado ng konstitusyon.


Binigyang diin ng kongresista na kailangan talagang sawatain ang fake news bilang siya ay galit sa mga nagpapakalat ng mga maling impormasyon sa online subalit hindi ang pag-criminalize dito ang sagot sa problema sa paglipana nito.

Ang tanging pangontra umano sa fake news ay tamang impormasyon kaya pwedeng maging epektibong panangga sa fake news ang objective reporting ng mainstream media at social media.

Mas kailangan na rin ngayon ang pagsasabatas ng freedom of information bill na makatutulong para mailabas ang tamang impormasyon mula sa mga tanggapan ng gobyerno.

Facebook Comments