Naipamahagi ang anti-pneumonia vaccines para sa tatlong daang mga residente particular ang mga senior citizens sa bayan ng san nicolas na pinangasiwaan ng lokal na pamahalaan dito katuwang ang tanggapan ikaanim na distrito ng Pangasinan at Department of Health.
Ang bakunang anti-pneumonia ay pneumococcal na naglalayong palakasin ang immune system ng tao sa pamamagitan ng taglay nitong labanan ang bakterya na nagdudulot ng malubhang pulmonya, impeksyon sa tainga at sinus, meningitis o impeksyon sa daluyan ng dugo o bloodstream infection.
Libre namang ipinamahagi ang nasabing bakuna at tiniyak ng alkalde na ang mga naiturok na mga bakuna ay masusing nasubok at napatunayang ligtas.
Samantala, layunin nitong mabawasan ang kaso ng namamatay dahil sa sakit na pneumonia, na hanggang ngayon ay nananatiling isa sa mga nangungunang sanhi ng pagkamatay ng mga pilipino at ang nangungunang vaccine-preventable death sa bansa. |ifmnews
Facebook Comments