Pagadian City, Zamboanga del Sur—-Plano ng lokal na pamahalaan sa Lungsod ng pagadian na bubuo ng Anti-smoking Task Force upang lalong maunawaan at maipatupad ng maayos ang “Smoking Ban” alinsunod sa Executive Order na una nang nilagdaan ni Pangulong Duterte.
Sa panayam ng RMN-DXPR Pagadian kay City Health Officer Dr. Noel Ceniza na isang ordinansa ang kakailangang aprobahan upang magiging epektibo ang anti-smoking campaign sa lungsod ng Pagadian at makagawa sila ng hakbang kung papaano maipatupad ng maayos at mapaliwanag sa mga mamamayan.
‘’ Bubuo talaga tayo ng Anti-smoking Task Force” pahayag ni Ceniza. Dahil dito nanawagan si Ceniza kay Pagadian City councilor Cheryl Lee na magsumite ng draft ordinance upang matalakay ito sa konseho sa madaling panahon.
Aniya maghintay na ito ng panahon upang mapaabot sa Sangguniang Panglungsod at makagawa kaagad ng isang Ordinansa na siyang maging haligi sa kanilang pagpapatupad ng Smoking Ban lalong-lalo na ang paglalagay ng mga NO SMOKING sa lahat ng mga istablishmento sa buong siyuad gaya na lang ng iba na una nang nagpatupad nito.
Sa ngayon, umaasa si Dr. Ceniza na marami na ang dahan-dahang iiwas sa paninigarilyo upang hindi na mahihirapan pagdating ng panahon kung saan huhulihin ang sino mang hindi susunod na sa loob na lang ng Buffer Zone maninigarilyo ang lahat na gusto manigarilyo at hindi na pakalat-kalat sa mga pampublikong lugar. (Kenneth Bustamante-dxpr News Team)
Anti-Smoking TaskForce bubuohin sa Lungsod ng Pagadian
Facebook Comments