Anti-Terror Bill magiging malaking tulong sa Maguindanao – Gov. Mariam!

Ikinagalak ng Maguindanao Provincial Government lalo na ni Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu ang pagkakalagda ng Anti-Terror Bill ni Pangulong Rodrigo Duterte .

Magiging malaking tulong aniya ito para mapanatili ang kapayapaan, maisisiguro ang kaligtasan ng mga residente kontra terorismo at tuluyang malabanan ang mga naghahasik ng kaguluhan lalo na sa Probinsya ng Maguindanao ayon pa kay Governor Bai Mariam sa panayam ng DXMY.

Iginiit rin ng Gobernadora na walang dapat ikaalarma ang publiko lalo na kung wala namang ginagawang masama kontra komunidad dagdag pa ni Governor Bai Mariam.
Hindi rin aniya lingid sa kaalaman ng publiko na marami na rin ang naging biktima ng Terorismo sa Maguindanao sa nakalipas na mga panahon. Bukod sa mga nangyayaring pabalik-balik na nararanasang paglikas, ilang buhay na rin ang nalagas dahil sa nagdaang terorismo.
Panahon na rin aniya para tuluyang mabago ang impresyon ng publiko sa Maguindanao. Sinasabi kasing isa sa Pugad ng Terorista ang lalawigan dahil sa presensya ng mga armado, maparebelde man o PAGs.


Kaugnay nito, umaasa naman ang Gobernadora na patuloy pa ring igagalang ng mga otoridad ang Karapatang Pantao at patuloy na bibigyang halaga ang buhay ng tao.

Facebook Comments