Anti-terrorism law sa bansa, dapat nang palakasin

Manila, Philippines – Dapat pang palakasain ang human security act na tinatawag ring anti-terrorism law sa bansa.

Ito ang iginiit nina Senate President Tito Sotto at Senador Greogorio Honasan kasunod ng pagsabog sa isang mall sa Cotabato City.

Ayon kay Sotto, walang saysay ang martial law sa Mindanao dahil hindi naman ito kasing tapang na batas militar na pinairal noong Marcos regime batay sa 1985 constitution.


Aniya, kung tigre noong ang martial law may lagnat pusa ito ngayon.

Giit naman ni Honasan, isa sa pinakamahinang batas sa Asya ang anti-terrorism law ng bansa.

Sa ngayong patuloy na dinidinig sa committee level ng Senado ang Senate Bill 1956 na nagpapaamyenda sa anti-terrorism law ng bansa.

Facebook Comments