Idineklara bilang “international shrine” ang National Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage sa Antipolo City, Rizal.
Ito ang pinakaunang international shrine sa Pilipinas.
Ayon kay Antipolo Bishop Francisco de Leon, inaprubahan ng Vatican ang petisyon nila na bigyan ng nasabing pribilehiyo ang simbahan na siya ring Cathedral ng diocese.
Gayunman, hindi pa natatanggap ng diocese ang kopya ng opisyal na deklarasyon.
Ayon sa CBCP News, ang Antipolo Shrine ay ang ika-11 international shrine at ikatlo sa buong Asya kasama ang St. Thomas Church Malayattoor sa India at ang Haemi Martyrdom Holy Ground kasama ang Seoul Pilgrimage Routes sa South Korea.
Facebook Comments