Fetus sa garapon, natagpuan sa eskinita sa Maynila

54

Isang fetus ang natagpuan sa madilim na eskinita sa Lakandula Street sa Tondo, Maynila.

Nakasilid sa garapon ang fetus nang matagpuan ito ng isang residenteng naglilinis sa lugar.

Ayon sa mga opisyal ng barangay, walang buntis sa kanilang lugar.


Kaugnay nito, nire-review na ng Manila Police District ang CCTV sa lugar para matukoy kung sino ang nag-abandona sa fetus.

Facebook Comments