Pinakamataas na bagong kaso ng COVID-19 mula Marso, naitala ng DOH kahapon

59

Naitala ng Department of Health (DOH) kahapon, araw ng linggo, ang highest single-day tally COVID-19 simula noong Marso.

Ito ay makaraang makapagtala ng 848 new COVID-19 cases kung kaya’t aabot na sa 3,700,876 ang kabuuang kaso nito sa bansa.

Umakyat din sa 6,761 ang aktibong kaso ng sakit mula sa 6,425 noong Sabado.


Nangunguna pa rin ang National Capital Region sa may pinakamaraming naitalang bagong kaso sa loob ng dalawang linggo na aabot sa 3,701.

Sinundan ito ng Calabarzon na may 1,302 at Central Luzon, 650.

Samantala, nasa 3,633,096 naman ang bilang ng gumaling mula sa COVID-19 habang umakyat sa 60,518 ang death toll.



Facebook Comments