Antiporda, handang magbitiw sa pwesto matapos patawan ng suspension ng Ombudsman

Nakahanda umanong magbitiw sa pwesto si suspended National Irrigation Administration (NIA) Administrator Benny Antiporda para patunayang hindi siya “kapit-tuko” sa posisyon.

Ito’y kasunod ng utos ng Office of the Ombudsman na preventive suspension without pay ng anim na buwan laban kay Antiporda, dahil sa mga reklamong isinampa ng mga kawani ng NIA.

Ayon kay Antiporda,marami sa mga alegasyon laban sa kaniya ay hindi tototo at gusto lamang hiyain si Pangulong Bongbong Marcos, ang nagtalaga sa kaniya, ng mga complainant.


Dagdag pa ni Antiporda, hindi pa sila nagkakausap ng pangulo pero nagpapaalam na umano siya kay Department of Agriculture (DA) Usec. Domingo Panganiban.

Subalit sinabihan mismo siya ni Usec. Panganiban na manatili muna sa pwesto at bahala na itong humingi ng pahayag sa pangulo hinggil sa kaniyang sitwasyon.

Kaugnay nito, umaapela si Antiporda sa Ombudsman na bigyan siya ng patas na pagtrato sa reklamo at handa rin aniya siyang sagutin ang lahat ng alegasyon laban sa kaniya.

Facebook Comments