Labi ng tatlo umanong biktima ng drug war ng administrasyong Duterte, isasailalim sa reautopsy

Muling hinukay ang labi ng tatlo umanong biktima ng drug war ng administrasyong Duterte na nakalibing sa Bagbag Cemetery sa Novaliches, Quezon City.

Ito ay para isailalim ang mga ito sa reautopsy ng forensic pathologist na si Dr. Raquel Fortun para malaman kung ano talaga ang naging sanhi ng kanilang pagkamatay.

Batay sa Project Hilom, natural causes ang binanggit ng mga otoridad na dahilan ng pagkasawi ng mga drug war victims pero nakitaan sila ng tama ng bala sa naunang autopsy.


Pagkatapos namang isailalim sa reautopsy, ike-cremate ang mga labi at pansamantalang ipauuwi sa kanilang pamilya habang hinihintay ang pagkakaroon ng mass grave.

Facebook Comments