Bantag at Zulueta, patuloy na tinutunton ng PNP tracker teams

Pinaghahanap na ng Philippine National Police (PNP) si suspended Bureau of Corrections Director Gen. Gerald Bantag, BuCor Senior Supt. Ricardo Zulueta at iba pang dawit sa pagpatay sa mamamahayag na si Percy Lapid.

Ayon kay PNP Spokesperson Col. Jean Fajardo, kahit pa bago ilabas ang subpoena laban sa mga ito ay may nakatutok nang pwersa ang kapulisan para sila ay tuntunin.

Ani Fajardo, nakikipag-ugnayan na rin sila sa local police ng Baguio City upang malaman ang kinaroroonan ni Bantag dahil base sa kaniyang mga interviews nasa Baguio ang dating heneral.


Kasabay nito, umaapela ang PNP sa kampo ni Bantag at Zulueta na makipagtulungan sa kinauukulan para maipadala sa kanila ang subpoena at kanila naman itong masagot sa lalong madaling panahon.

Facebook Comments