Maari nang gamitin upang malimitahan ang pagkalat ng COVID-19 ang antiseptic nasal spray.
Base sa isinagawang pag-aaral ng ilang mga doktor sa Amerika, ang mga antiseptic nasal spray na mayroong povidone-iodine ay kayang malimitahan ang pagkalat ng virus kung saan mababawasan din ang transmission ng virus sa pamamagitan ng droplets.
Pero babala ng mga doktor, ang palagiang paggamit ng nasal spray na may povidone-iodine ay nakakasama sa katawan ng tao lalo na sa mga buntis at pasyenteng may thyroid condition.
Samantala, ipinaliwanag ng ilang mga eksperto kung bakit madalas na ang mga nakakatanda ang siyang tinatamaan ng COVID-19.
Nabatid kasi na kapag tumungtong na sa edad na 65-anyos, humihina na ng tuluyan ang immune system at naaapektuhan ng virus ang tinatawag na “T-cell”.
Ipinaliwanag pa ng mga eksperto sa La Jolla Institute for Immunology na humihina ang mga cells ng tao sa pagtanda nito kung saan karamihan sa mga nakakapitan ng sakit partikular ng virus ay ang mga nakakatanda.