Nadagdagan pa ang bilang ng mga bayan sa Laguna na napagkalooban ng multi-purpose evacuation centers ng Philippine Amusement and Gaming Corporation o PAGCOR.
Ito’y makaraang pormal na i-turnover ng ahensya ang paunang pondo sa mga bayan ng Luisiana at Victoria para sa pagpapatayo ng mga nasabing istruktura.
Sa mahigit 70,000 pinagsamang bilang ng populasyon ng mga nasabing bayan, hirap sa paghahanap ng ligtas na masisilungan ng maraming residente kapag may kalamidad.
Sa Batangas naman, pormal ding pinasimulan ng PAGCOR ang konstruksyon ng PAGCOR Village para sa mga naapektuhan ng pagputok ng Bulkang Taal sa bayan ng mataas na kahoy ang naturang housing project na nagkakahalaga ng tatlumpung milyong piso ay itatayo sa Barangay San Sebastian, kung saan may higit isandaang pamilya ang makikinabang dito.
Sa kasalukuyan, nakapagkaloob na ang PAGCOR ng paunang pondo para sa pagpapatayo ng evacuation centers sa tatlumpu’t walong lugar sa bansa, at buong pondo para sa PAGCOR Villages sa apat na barangay sa Batangas.
Samantala, naganap na rin ang pagpapasinaya ng 24 classroom building sa mataas na kahoy senior high school na pinondohan rin ng PAGCOR.