Aparri, Cagayan, Nakapagtala ng 46°C na Heat Index

Cauayan City, Isabela- Umabot sa 46°C ang ‘computed heat index’ sa bayan ng Aparri sa Lalawigan ng Cagayan batay na rin sa pinakahuling datos ng DOST-PAGASA kahapon, Mayo 30,2021.

Nasa 45°C ang naitala sa sa Tuguegarao City samantalang 44°C sa may bahagi ng Isabela State University sa Echague, Isabela.

Kaugnay nito, nasa kategorya na ‘Danger’ ang naitala sa tatlong lugar kung saan ang ‘computed heat index’ ay nasa saklaw mula 41.4°C hanggang 54.0°C.


Dahil dito, mataas ang posibilidad na makaranas ng pamumulikat ng katawan at ‘heat exhaustion’ ang mararanasan ng isang tao sa mga lugar na nasa ‘danger’.

Maaari rin maranasan ang ‘heat stroke’ kung patuloy ang pagtratrabaho sa ilalim ng araw.

Samantala, nasa 39°C ang ‘computed heat index’ sa may bahagi ng Nueva Vizcaya State University sa Bayombong, Nueva Vizcaya.

Facebook Comments