Dalawang katao, sugatan matapos na salpukin ng taxi ang motorsiklo sa QC

51
Manila, Philippines – Sugatan ang dalawang katao matapos na salpukin ng taxi ang isang motorsiklo  sa Shorthorn corner Road 18, Project 8 QC.
 
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya mag-aalas dos ng madaling araw kanina galing sa inuman ang biktimang si Cerald Carlos, 41 anyos kasama ang kanyang kaibigan na si Richard Lichong nang biglang salpukin ng taxi sa naturang lugar.
 
Aminado si  Richard Lichong na nakainom sila pero sinisisi nito  ang taxi driver dahil mabilis umano  magpatakbo ng kanyang minamanehong taxi
 
Depensa naman ng taxi driver na si  Roger Aranses may pasahero siya kaya malabo umanong mabilis ang kanyang pagpapatakbo dahil papaliko na siya at mabilis anya ang pagpapatak ng motor ng mga biktima.
 
 Inimbestigahan na ng QC Traffic Sector ang naturang pangyayari  at inaalam kung sino ang may kasalanan sa naturang Aksidente.


Facebook Comments