Apat katao, arestado matapos naaktuhang nagsusugal; isa sa mga suspek, nahulihan ng iligal na droga

Manila, Philippines – Arestado ang apat katao matapos mahuling nagsusugal at isa rito ay nahulihan pa umano ng droga sa lungsod ng Pasay.

Nakilala ang mga suspek na sina Rodfer Calungsod, Al Sunga, Margarito Miranda at Yolando Matondo, kapwa residente ng Pildera II, Brgy. 194 ng nasabing lungsod.

Sinasabing nagpapatrulya ang mga pulis sa pangunguna ni PO2 Servando Matillana Jr. sa Road 6, Pildera II nang mamataan ang mga lalaking nagsusugal kaya’t agad silang sinita ng mga pulis.


Nagpulasan ang mga suspek nang makita ang mga alagad ng batas at dito na sila isa-isang inaresto na ngayo’y nahaharap sa mga kasong paglabag sa Presidential Decree No. 1602 o illegal gambling at R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Bagama’t sinasabing isa sa mga kaso ng mga naaresto ay may kaugnayan sa iligal na droga, hindi naman binanggit ng Pasay City Police kung anong uri ng illegal drugs o kung gaano karami ang nasamsam mula sa mga naturang suspek.
Nation

Facebook Comments