
Sugatan ang tatlong driver at angkas ng isa sa tatlong na motorsiklo na nagkarambola sa bahagi ng national highway sa Brgy. Poblacion, Bugallon, Pangasinan.
Sa panayam ng IFM News Dagupan kay PLt. Darius Cabotaje, Deputy-Chief of Police ng Bugallon Police Station, bigla umanong tumigil ang naunang motor sa gitna ng daan upang umiwas sa butas sa kalsada.
Nailagan naman ng sumusunod na motor ang aksidente ngunit nabangga ito ng paparating na ikatlong motor.
Wasak ang harapang bahagi ng isa sa mga motor na umano’y mabilis ang patakbo nang mangyari ang insidente.
Base sa pagsusuri ng doktor, lasing umano ang dalawa sa mga driver.
Kasalukuyan nang nagpapagaling sa pagamutan ang mga biktima na nagpasya umanong hindi na magsasampa ng kaso.
Paalala ng pulisya, ang kaukulang pag-iingat ng mga motorista at hindi pag-inom ng alak kapag magmamaneho upang makaiwas sa aksidente.









