APAT SUGATAN SA BANGGAAN NG DALAWANG MOTORSIKLO SA STA. BARBARA

Apat na katao ang nasugatan matapos magsalpukan ang dalawang motorsiklo sa Barangay Tuliao, Sta. Barbara, Pangasinan.

Ayon kay PLt. Ferdinand Abulencia, Duty Officer ng Sta. Barbara Police Station, pauwi umano sa Sta. Barbara ang isang motorsiklo habang patungong Dagupan City ang isa pa nang maganap ang banggaan.

Nag-overtake umano ang isa sa mga motorista at nasakop ang kabilang linya, dahilan upang sumalpok sa kasalubong na motorsiklo.

Agad namang isinugod sa magkaibang pagamutan ang apat na sugatan habang nasa kustodiya na ng pulisya ang mga nasangkot na sasakyan para sa kaukulang imbestigasyon.

Facebook Comments