Apektado ang nasa 25 indibidwal mula sa Brgy. 1, San Fernando City, La Union matapos matupok ng apoy ang kanilang tahanan.
Mabilis umanong kumalat ang apoy at pahirapan ang ginawang pagresponde ng mga awtoridad dahil nasa bulubunduking bahagi ang lugar.
Dahil dito, walang naisalbang kagamitan ang mga biktima at kasalukuyang naninirahan sa kanilang mga kaanak.
Napamahagian na ng paunang tulong ang mga biktima at shelter repair kits kabilang ang yero bilang panimula sa pagpapaayos ng kanilang tahanan.
Nagdulot ng mabigat na daloy ng trapiko ang insidente upang matiyak na makakadaan ang mga response vehicles sa lugar.
Hinihikayat ng Pamahalaang Panlalawigan ang agarang pagrereport ng anumang emergency upang mabilis na marespondehan.| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments









