Sugatan ang mga pasahero ng bus matapos tumagilid sa kahabaan ng Villasis-Malasiqui Road sa Brgy. Unzad Villasis, Pangasinan.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon, biglang nawalan ng kontrol ang driver dahil sa madulas na daan dulot ng pag-ulan na naranasan sa ilang bahagi ng Pangasinan noong February 11.
Dahil dito, tumagilid ang bus sa naturang highway at bumangga sa road railings.
Agad naitakbo sa pagamutan ang 25 pasahero na lulan nito na nagtamo ng minor injuries .
Patuloy ang imbestigasyon ng awtoridad sa insidente. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Patuloy ang imbestigasyon ng awtoridad sa insidente. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments