NATIONAL YOUTH CONVENTION, ISINAGAWA SA REGION 1

Nakiisa ang mahigit pitong daang mga kabataan sa bansa sa naganap na National Youth Convention sa lalawigan ng La Union, sa pangunguna ng National Youth Commission (NYC).

Sumentro ang tema ng pagdiriwang ngayong taon sa “Alab: Empowering the Bagong Pilipinas Generation” kung saan tinalakay ang iba’t-ibang mga kaalaman ukol sa Youth Empowerment, Leadership at iba pang nakapaloob sa pagpapalakas ng kakayahan ng mga kabataan.

Ibinahagi sa mga ito ang kaalaman at kasanayan ukol sa gampanin bilang mga batang lider na nakaayon sa adhikaing National Youth Policies na makatutulong upang mapaunlad ang mga komunidad at bansa.

Binigyang-diin naman ang papel ng mga ito sa pagtataguyod ng nararapat at marangal na pamumuno sa mga kinabibilangang lokalidad bilang boses o representante ng kanilang mga kasapi.

Samantala, nilahukan ito ng mga Sangguniang Kabataan (SK) Officials, Local Youth Development Councils (LYDC) at Local Youth Development Officers. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments