Apat na Barangay sa Cordon, Isabela, ‘DRUG CLEARED’ Na

*Cauayan City, Isabela*- Idineklarang ‘drug cleared’ ng Philippine Drug Enforcement Agency Region 2 ang apat na barangay sa Bayan ng Cordon, Isabela.

 

Ayon kay PMAJ.Alford Accad, Hepe ng PNP Cordon, lubos itong natutuwa dahil nadagdagan na naman ang bilang ng mga barangay na negatibo na sa iligal na droga na kinabibilangan ng Brgy. Caquilingan, Osmeña, Tanggal at Taringsing.

 

Dagdag pa ng hepe, may kabuuang 16 na barangay ang ‘drug cleared’ na habang 5 ang drug free at 5 barangay ang nasa ilalim pa ng validation ahensya para sa pagdedeklara rin bilang ‘drug cleared’ na kinabibilangan ng Brgy. San Juan, Wigan, Villamarzo, Turod Norte at Turod Sur.


 

Paliwanag pa ng hepe na patuloy ang kanilang isasagawang monitoring sa mga lugar na apektado ng droga at sa mga nauna ng naideklara upang matiyak ang hindi na pagpasok ng droga sa kanilang bayan.

 

Hinihiling naman nito sa publiko na makipagtulungan upang tuluyan ng mawala ang iligal na droga sa lugar.

Facebook Comments