UP, kinansela ang UPCAT admission para sa 2021 dahil sa pandemya

66

Wala munang magaganap na UP College Admission Test (UPCAT) para sa School Year 2021-2022 dahil sa pandemya.

Ito ang napagpasiyahan ng University Council ng lahat ng University of the Philippines System.


Sa social media account ng UP Diliman, inatasan ng University Council ang Office Admissions na gawin ang UPCAT sa sandaling wala ng banta ang COVID-19 sa bansa.

Pinayuhan din ng UP ang publiko na magtungo sa website upcat.up.edu.gov.ph o kaya ay sa Facebook page ng unibersidad upang malaman ang mga bagong impormasyon na may kaugnayan sa UPCAT.

Facebook Comments