Apat na baybayin sa bansa, nagpositibo sa paralytic shellfish poison o red tide toxin

Apat na baybayin sa bansa ang muling nagpositibo sa paralytic shellfish poison o red tide toxin.

Sa advisory ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), kabilang sa mga baybaying ito ay ang:

Dauis atTagbilaran sa Bohol
Matarinao Bay, Eastern Samar
Dumanquillas Bay, Zamboanga del Sur
Lianga Bay, Surigao del Sur


Natuklasan ito ng BFAR nang muli silang magsagawa ng laboratory test sa mga shellfish na kinolekta sa nasabing karagatan.

Dahil dito, mahigpit na ipinagbabawal ng BFAR at LGUs ang paghango, pagbenta ng shellfish mula sa nabanggit na lugar dahil hindi na ligtas kainin ito.

Sa kabila nito, tiniyak ng BFAR na ligtas namang kainin ang mga isda, pusit, hipon at mga alimango na mahahango sa mga nabanggit na baybayin basta’t ang mga ito ay sariwa at nahugasang mabuti at nalinisan ang lamang loob bago lutuin.

Facebook Comments