4 KATAO SA SANTIAGO CITY, HULI SA PAGSUSUGAL

15
Arestado ang apat na indibidwal matapos maaktuhang nagsusugal sa Lungsod ng Santiago partikular sa Ancheta St, Brgy. Mabini.

Nakilala ang mga nahuli na sina Roberto Elerma Mina, 28 taong gulang, vendor, residente ng Victory Sur, Santiago City; Celso Pagaragan Gawat, 58 taong gulang, roomboy, residente ng San Isidro, Santiago City; Soliman Cabugatan, 48 taong gulang, negosyante, residente ng Mabini, Santiago City at Dexter Valdez Tucay, 39 taong gulang, residente naman ng Ambatali, Ramon, Isabela.

Nag-ugat ang kanilang pagkakaaresto mula sa sumbong ng concerned citizen sa himpilan ng pulisya kung saan napatunayan na positibong naglalaro ang mga ito ng “Pepito”.

Nakumpiska sa mga suspek ang isang set ng table, apat na monoblock chairs, isang set ng baraha, at cash na nagkakahalaga ng mahigit tatlong libong piso.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Presidential Decree o PD 1602 ang mga suspek.

Facebook Comments