LIBRENG SAKAY NG PNP ILAGAN, UMAARANGKADA

18
Habang nagpapatuloy ang face-to-face classes sa mga paaralan ay nagsasagawa ng libreng sakay para sa mga mag-aaral ang Ilagan City Police Station.

Ang isinagawang libreng sakay ng kapulisan para sa mga mag-aaral ay mula sa proyekto nitong Project Ronda Eskwela.

Ayon sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan, isinagawa ng PNP Ilagan ang pagbibigay ng libreng transportasyon gamit ang kanilang mobile patrol tuwing oras ng uwian ng mga mag-aaral mula sa kanilang paaralan.

Samantala, ang nasabing aktibidad ng kapulisan ay bilang pagtugon na rin sa bagong programa ng Chief PNP na si PGen Rodolfo Azurin Jr. na Malasakit, Kaayusan, Kapayapaan, at Kaunlaran (M+K+K=K).

Facebook Comments