Apat na dekadang away pamilya mula Pigcawayan at Buldon inaayos ni Mayor Manalao

Natuldukan na ang tatlumput siyam na taong away pamilya mula sa mga angkan ng Ariman ng Brgy. Patot Pigcawayan, North Cotabato at Siraman ng Brgy. Oring Buldon Maguindanao sa isinagawang Rido settement kahapon.

Isinagawa ang aktibidad sa Gymnasium ng Brgy. Dinganen Buldon sa pangunguna ni Mayor Abolais Manalao sa tulong ng Alternative Dispute Resolution Team ng Buldon na pinangungunahan ni Chairman of Iranun Reconciliation Council Ust. Yusoph Palawan, kasama ang mga elemento ng kapulisan at militar.

Bagaman hindi na sakop ni Mayor Manalao ang bayan ng Pigcawayan nagpapasalamat ito sa dalawang pamilya na nakiisa sa kanilang adbokasiya na tuluyang maayos na ang lahat ng mga nag- aaway na pamilya .


Umaasa rin ang alkalde na ito na ang maging simula ng magandang buhay ng dating nagkagiriang mga angkan.

Matatandaang nauna ng idineklarang Rido Free Municipality ang Buldon noong nakaraang taon ngunit patuloy na nagsisikap ang LGU na maayos ang lahat ng sigalot ng mga nag-aaway na angkan di lamang sa Buldon maging sa buong Iranun Towns lalo na ang mga lumisan na pamilya sa bayan .

Facebook Comments