PBA | Bakbakang Beer at Gin, simula na mamayang gabi sa Big Dome

Manila, Philippines – Aminado si Barangay Ginebra head coach Tim Cone na pader ang babanggain ng Gin Kings sa pagharap nila sa defending champion San Miguel Beer para sa kampeonato ng PBA Commissioner’s Cup.

Magsisimula kasi na ang best of seven title series ng tropang Beer kontra sa Gin mamayang ala-siyete ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Ayon kay Cone, kumpleto sa tao ang Beermen at mahihirapan sila na tapatan ang mga ito sa bawat posisyon.


Sinabi rin nito na bukod kay Renaldo Balkman, Chris Standhardinger at June Mar Fajardo, may Arwin Santos, Alex Cabagnot, Chris Ross at Marcio Lassiter pa ang SMB na kayang magpasiklab sa opensa kontra sa Gin Kings.

Sa kanila aasa naman si Cone kina import Justine Brownlee, Greg Slaughter, Scottie Thompson, LA Tenorio, Jeff Chan at kay Japeth Aguilar para masabayan ang paboritong Beermen sa serye.

Facebook Comments